22 Hulyo 2024 - 12:38
Nanawagan ang Iran sa Saudi Arabia para palayain na ang nakakulong na Hajj perigrino

Nanawagan ang Dayuhang Ministro ng Iran sa Saudi Arabia upang palayain na ang Iranian Hajj perigrino n si Mohammad Khazaee, na nakakulong sa kaharian mula noong kalagitnaan ng nakaraang buwan.

Ayon sa ulat,  iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nanawagan ang Dayuhang Ministro ng Iran sa Saudi Arabia para palayain na ang Iranian Hajj perigrino, na si Mohammad Khazaee, na nakakulong sa kaharian mula noong kalagitnaan ng nakaraang buwan ng Hajj 2024.

Nakipagpulong noong Lunes ang director general ng ministro para sa consular affairs, na si Alireza Mahmoudi kay Saudi Ambassador sa Tehran, na si Abdullah bin Saud al-Anzi upang talakayin ang kaso ni Khazaee.

Nanawagan din ang opisyal ng Iran ng ilang bases para palayain siya, na binanggit ang pag-aalala ng kanyang mga mahal na pamilya.

Naganap ang pagpupulong ng dalawang araw matapos makipagpulong ang Deputy Foreign Minister ng Iran, na si Alireza Bikdeli sa matandang ina ni Khazaee at iba pang miyembro ng kanyang mga pamilya sa Tehran.

Tiniyak sa kanila ni Bikdeli, na ang Dayuhang Ministro at ilang mga Iranian diplomatic missions sa Saudi Arabia ay magpapatuloy sa pag-follow up sa kaso ng kanilang anak hanggang sa makalabas ito mula sa kanyang kulungan.

Si Mohammad Khazaee ay naaresto noong Hunyo 19 sa panahon ng Hajj pilgrimage.

...................

328